Saturday , April 12 2025
World Distance Learning Day
World Distance Learning Day

World Distance Learning Day

Kinalap ni Tracy Cabrera

MANILA — Alam n’yo ba na pinagdiwang nitong nakaraang Martes, Agosto 31, ang World Distance Learning Day.

Kung hindi n’yo man alam, hindi na dapat pang ikagulat na may pagdiriwang na ganito dahil ang mundo ay nakakaranas ngayon ng paghihirap sa sektor ng edukasyon sanhi ng pandemya ng coronavirus. Nagdiwang ang daigdig ng kaarawang ito upang yakapin ang pag-aaral na nagaganap sa labas ng mga silid-aralan. Alin man kung ito ay remote learning program na hinahatid ng malayuan o isang hybrid blend ng in-classroom at home learning, ang karagdagang flexibility at mas cost-effective na pamamaraan ng distance learning ay pinapakinabangan  ng mga mag-aaral sa buong mundo.

Sa nakalipas na panahon, ang internet at ang nagresultang paglaganap ng high-quality online curriculum at mga kurso sa edukasyon ay sadyang binago ang tradisyonal na paraan ng pagtuturo at pag-aaral at nagsilang ng popular na distance learning movement. Kaya nga ang Agosto 31 ay isang petsang dapat kagalakan dahil sa mga distance learning opportunity na ating nagag amit ngayon at napapakinabangan sa iba’t ibang bansa.

Subalit sa paggunita bago sumapit ang Covid-19, ang mga pasilidad sa pag-aaral ay hindi tunay na “few clicks away.” Noong 1728, itinutulak ni Caleb Phillips ang kanyang mga tinuturong bagong pamamaraan ng shorthand sa Boston Gazette, na ang mga leksyon ay hinahatid sa pam amagitan  ng koreo ng lingguhan.

At noong 1840s, pinalawig  pa ang ideya ni Sir Isaac Pitman dahil nagtuturo din siya ng shorthand gamit ang koreo, at pinapadala ng kanyang mga estudyante ang kanilang ginawa sa mga postcard, na kanyang itinatama at ibanabalik sa kanila. Lumagan ap ang kurso ni Pitmansa popularidad at sa loob lamang ng ilang taon, naitatag  ang Phonographic Correspondence Society para pormal na ialok ang mga kurso ng pag-aaral. Ito ang nagbunsod para magkaroon ng mga kolehiyo at sa pagsapit ng 1873 naitatag ang kauna-unahang correspondence school sa Estados Unidos. 

Simula nito’y nag-alok na ang mga unibersidad ng distance learning options at lalo pang pinaigting ito ng Open University noong 1960s. Nag-alok sila ng nirerespetong alternatibo sa tradisyonal na pamamaraan ng pag-aaral at nanguna sa pag-develop ng mga bagong teknolohiya at mga paraan ng pagtuturo. 

Lalo pang lumawak ito sa pagdating ng internet, para maging mas madali, mabilis at mura ang distance learning. Dumating ang unang kompletong online course noong 1984 at simula noon ay naging mabilis na ang pag-unlad nito.

Ang World Distance Learning Day ay itinatag para magpataas ng awareness ng mga learning resource at option na available sa mga mag-aaral para ipagdiwang na rin ang konsepto ng distance education na hanggang ngayon ay nagpapaunlad sa ating daigdig.

About Tracy Cabrera

Check Also

Taguig

Campaign funds ni Rep. Zamora, ‘iniyabang’ ni Abby sa Taguig

LANTARANG ipinagyabang ni Makati Mayor Abby Binay ang ‘limpak-limpak’ na campaign funds ni incumbent Rep. …

Carlo Aguilar

Carlo Aguilar, nais itaas sa ₱50K-health benefits ng kalipikadong Las Piñeros sa Green Card Program

NANAWAGAN si Las Piñas City mayoral candidate Carlo Aguilar ng malaking upgrade sa programang pangkalusugan …

Mitch Cajayon-Uy

Rep. Mitch Cajayon-Uy waging kongresista sa Caloocan District 2 — OCTA Research

NANGUNGUNA pa rin sa pinakabagong survey ng OCTA Research nitong Marso sa pagka-kongresista sa ikalawang …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, nangakong kikilos laban sa labor rights violations sa PH

IPINAHAYAG ng TRABAHO Partylist ang matinding pag-aalala sa inilabas na ulat kamakailan na nagtala ng …

041125 Hataw Frontpage

P139-M basura scandal  
MALABON MAYOR, INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team SINAMPAHAN ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *