Tuesday , July 23 2024

Maritime group humihingi ng tulong para sa kapakanan ng mga tripolante

Kinalap ni Tracy Cabrera

MANILA — Libu-libong mga seaman ngayon ang nasadlak sa kahirapan makaraang lumabis sa trabaho sa kanilang mga kontrata sanhi ng epekto ng pandemya ng coronavirus sa manning industry sa buong mundo kaya hinihiling ng mga maritime group kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang cap para sa dumarating o umuuwing na mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa ibang bansa.

Sa isang liham sa punong ehekutibo, hinayag ng Association of Licensed Manning Agencies (ALMA) Maritime Group, na binubo ng may 59 na lisensyaong mga manning agency (LMA), na kailangan nila ng dagliang intervention ng pangulo para iutos sa airlines na ibaba ang kanilang mga pamasahe na may zero hanggang minimal rebooking charges, bilang pagbigay rekognisyon sa naiaambag ng tinatawag na ‘modern day heroes’ sa aring ekonomiya.

Ayon kay ALMA trustee at Labor and Employment External Affairs sub-committee chair Atty. Iris Baguilat, ang kahilingan kay Duterte ay paghiling muli ng pagtataas ng sa inbound flight passenger limit sa naunang liham at gayun  din ang karagdagang mga quarantine facility sa parating na mga crew.

Hinayag din ni Baguilat ang kanyang pasasalam at sa datiung aklakde ng Davao City sa matibay na paninindigang pabor sa mga OFW at ang pagsuporta nito sa kapakanan, kaligtasan at employability ng mga tripolanteng Pinoy.

Sa ngayon na responable ang ALMA para sa deployment ng mahigit 160,000 seaman sa iba’t ibang mga shipping company, pinapanukala din ng maritime group ang bagong polisiya habang tinutugunan  ang usapin ng pagpapaluwag ng 2,000 limitisayon sa mga inbound pasahero at pagbibigay ng karagdagang mga hotel room para sa kuwarantina ilalaan sa mga tripolanteng pauwi na ng bansa.

“In short, we seek to exempt the Filipino seafarers from the passenger limits without a need for a specific exemption per case. Additionally, we call for authorities to direct the airlines to honor the Filipino seafarers’ marine fare to become cheaper compared to the normal booking rates and fully flexible to changes with zero to minimal rebooking charges,” pagtatapos ni Baguilat.

About Tracy Cabrera

Check Also

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *