Thursday , December 19 2024

Sa gitna ng pandemya
PAMOMOLITIKA NG PAMILYA DUTERTE BINATIKOS

HATAW News Team

UMABOT na sa halos 22,000 kada araw ang CoVid-19 cases sa Filipinas pero ang administrasyong Duterte ay pamomolitika at pagbatikos lang ang kayang gawin.

Ipinahayag ito ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. France Castro kasabay ng hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte, imbes ang kanyang vice presidential bid at ang pag-uudyok sa anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagka-pangulo ang unahin ay dapat tutukan ng pamahalaan kung paano pababain at matutulungan ang mga tinamaan ng CoVid 19.

“Hindi na magkandatuto ngayon ang administrasyong Duterte dahil sa pamomolitika at pagbatikos sa mga kalaban sa politika. Hindi na nila kayang itago ang inefficiency, dapat harapin ni Pangulong Duterte ang pressing problems ngayon halos 20,000 na kada araw ang naitatalang CoVid-19 cases,” pahayag ni Castro.

Mula nang pumutok ang pandemya noong nakaraang taon ay nagkaroon na ng tatlong  surges ang Filipinas, una noong Hulyo 2020, Abril 2021 at ngayong Delta variant surge, nasa milyong Pinoy na ang tinamaan ng sakit habang 33,000 ang nasawi.

Inamin ni Castro, habang patuloy ang pagsasabi ni Pangulong Duterte sa hangaring makapanatili sa puwesto matapos ang kanyang termino, nag-iisip naman ang publiko lalo’t nadala na sa estilong Duterte.

“Sa nangyayari ngayon sa pamumuno ni Pangulong Duterte ay nag-iisip na rin ang tao kung sino ang sinsero sa sinasabi at pangako. Sa ngayon ay nadala na ang tao sa style-Duterte at ng mga kakampi niya,” dagdag ni Castro.

Para kay Castro, marami pang puwedeng abangan sa mga prospective candidates at hindi lang ang Duterte.

“Mas tinitininngnan ng tao ngayon ay ‘yung kabaliktaran ni Pangulong Duterte,” diin ni Castro.

Batikos ng mga kritiko ng administrasyon, habang may konkretong balak sa kanyang political career si Pangulong Duterte ay wala naman siyang konkretong hakbang para tugunan ang mahinang pandemic response at  problema sa mabagal na vaccination drive.

Samantala, itinuring din ng lady solon na pang-showbiz ang patuloy na pagdi-dilly-dally ni Mayor Sara sa kanyang sa 2022 elections.

Aniya, political gimmick lamang ang kunwaring ‘di pagtakbo pero plano naman talagang tumakbo.

Naging sentro ng pagbatikos ang alkalde kamakailan at kinuwestiyon ang kanyang leadership matapos ang pag-iikot sa Cebu at Zamboaga City kasabay ng pakikipag-usap sa political leaders habang ang Davao City ay nasa high risk area ng CoVid-19 at nagtatala ng pinakamataas na daily cases sa buong bansa.

Unang umalma si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang magpasaring kay Mayor Sara na hindi pa panahon ng eleksiyon kaya ang mga mayor ay dapat nasa kanilang lugar at hindi pa nangangampanya.

About hataw tabloid

Check Also

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *