Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Simbulan, Marian Rivera
Tom Simbulan, Marian Rivera

Marian wish makatrabaho ng isang businessman/actor

MATABIL
ni John Fontanilla

SI Marian Rivera-Dantes ang isa sa gustong makatrabaho ng model/businessman/actor na si Tom Simbulan.
Ayon kay Tom, “If papipiliin ako kung sino ang gusto kong makatrabaho among local female celebrity, ang gusto ko si Marian Rivera, kasi sobrang ganda niya, elegant ang dating at magaling umarte.

“Bukod kay Marian, gusto ko rin si Lovi Poe dahil bukod sa magaling din umarte attracted din ako sa Filipina beauty niya.

“Gusto ko rin si  Beauty Gonzales, magaling siya mapa- drama at comedy. Kahit may anak na siya maganda pa rin.

“Pero ako naman kahit sinong ibigay sa akin para makatrabaho okey lang, hindi kasi maganda ‘yung namimili ka ng makakasama sa proyekto.”

Mas gusto ni Tom na malinya sa drama dahil ‘yun ang forte niya katulad ng mga paborito niyang aktor na sina Aga Muhlach at Richard Gomez.

At habang naghihintay pa ng proyekto ang tall, dark and handsome actor ay abala ito sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo, isa na rito ang PT Simbulan Hardware sa CM Recto corner Delpan, Tondo Manila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …