Thursday , June 18 2026
Coco Martin Cardo Dalisay FPJAP
Coco Martin Cardo Dalisay FPJAP

Cardo Dalisay nawawala na sa katinuan

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

MARAMING followers ng Ang Probinsyano ang nagulat at nabigla nang makatikim ng malakas sampal si Coco Martin mula kay Jane de Leon.

Sobrang sama kasi ng loob ni Jane kay Coco dahil nasaksihan nito ang isa-isang pagpatay ni Cardo Dalisay sa mga kasamahang police noong lusubin nito ang mga ito.

Natameme si Coco sa dami ng mga kasamahang nagalit sa kanya mula sa Task Force Lawin. Pinanggigilan siya nina Angel Aquino at Jimmy Fabregas sa palihim na pagsalakay ni Coco kasama si Michael de Mesa.

Hindi nila akalaing isusubo ni Cardo ang buhay buhay nila sa panganib. Sa galit ni Jane, pinalayas niya ang grupo ni Cardo.

Tila kasi nawawala na sa katinuan si Cardo at gusto laging lumusob at mamaril. 

TRABAHONG
PINAGKAKAKITAAN
‘DI BASURA

HUWAG na sanang nag-aakusa pa lalo sa panahong ito ng kahirapan na mga basura ang tawag sa ilang mga istoryang napapanood sa GMA. Dapat na malaman na may pera sa basura.

Mabuti pa nga at matatag ang GMA at nakapagbibigay-trabaho sa karamihan. Kung hindi baka dummami lalo ang gumagapang sa kahirapan dulot ng pagbabagong anyo ng kapalaran. Dulot ng Covid.

Higit na dapat na magpasalamat at huwag na ng batikusin pa ang biyayang dulot ng tinatawag na basura.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Vince Maristela Rak Rak - Sense of Love

Sparkle artist Vince Maristela pang-internasyonal na

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI lang pam-Pilipinas, pang-international din ang datingan ng male Sparkle artist na si Vince …

Rico Blanco Project Baby

Rico Blanco gusto pa ring maikasal 

RATED Rni Rommel Gonzales MAY point in time pala na pumasok sa kamalayan ni Project Baby male …

Charo Cordial Kris Lawrence Katrina Halili Katie

Kris sinagot balikan nila ni Katrina 

NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo …

Alfred Vargas Yasmine Vargas Cristiano

Anak nina Alfred at Yasmine na si Cristiano balik-swimming

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MASAYANG ibinahagi ng mag-asawang Alfred at Yasmine Vargas na nakabalik na sa swimming ang kanilang …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …