Friday , May 17 2024

Joem lilimitahan na ang pagpapa-sexy; Kasal with Meryll ‘di pa napag-uusapan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


INAMIN
ni Joem Bascon na ipinagpapaalam niya kay Meryll Soriano ang paggawa niya ng daring scenes. Maraming daring scenes si Joem kina Lovi Poe at Rhen Escano sa bagong handog ng Viva Films, ang The Other Wife na mapapanood na sa July 16, 2021sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV.

Sa face to face presscon noong Lunes sa Botejyu Estancia, ipinaliwanag ng actor na, ”Yes, opo ipinapaalam ko po kay Meryll. And I guess sa tulong ni direk Prime (Cruz) at ng buong production naayos naman, napag-usapan naman. Siyempre minsan may mga bagay na kapag andoon na sa set kailangang pag-usapan, kailangang i-tone down, kailangan ayusin, baguhin, napag-uusapan naman po.

“And yes napag-usapan namin ni Meryll and I guess after this magto-tone down na ako sa paggawa ng mga ganitong pelikula.”

Natanong din si Joem kung napag-uusapan na nila ni Meryll ang kasal. Sagot ng actor, ”naka-focus po muna kami sa baby namin. ‘Yung ukol sa kung napag-usapan ‘yung kasal, pag-aasawa, hindi ko pa po masasagot ngayon, siguro sa susunod nating pagkikita. Pero as of now ine-enjoy po muna namin ang time namin together with our baby.

Sobrang saya lang naming dalawa na naka-focus lang kami, na nasa bahay lang kami.

Nasabi rin ng actor na nag-uusap naman sila ni Willie Revillame sa tuwing dinadala nila ang kanilang anak sa bahay ng TV host. Aniya, ”Kapag dinadala namin ang baby namin, sobrang saya at gigil siya sa baby namin. Kasiyahan namin na makitang masaya siya sa baby namin . Siguro kung nag-uusap po in passing kung ano nangyayari sa buhay namin, nangyayari sa work, nakakapagkuwentuhan naman po kahit paano.

“Nagbibigay din siya ng mga advise in terms of works and in terms of our life. Pero sa kasal po wala pa naman pong natatanong, nababanggit o napag-uusapan.”

Samantala, ang The Other Wife ay kakaibang sexy-thriller film na hindi  ordinaryong affair movie na napanood.

Ito ay tungkol kina Janis (Lovi) at Ronnie (Joem), ang mag-asawang gustong ayusin ang kanilang pagsasama. Para maayos, nagbakasyon sila sa kanilang beach house. Darating naman dito si Luisa (Rhen), kababata ni Ronnie.  Sa unang araw pa lang nila sa beach house ay may mga kakaiba ng pangyayari, gaya ng isang babaeng nakikita ni Janis na hindi naman niya kilala.

Napapansin din ni Janis na parang may ibang gumagalaw ng kanyang mga gamit gaya ng hairbrush at sabon. Ngunit pinipilit ni Ronnie na sila lang talaga ang tao sa beach house. May kasama ba silang ibang babae sa bahay na pilit inililihim ni Ronnie?

Ito ang malalaman sa panonood ninyo ng The Other Wife sa July 16.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *