Thursday , June 4 2026
PNP QCPD

Ginahasang miyembro ng LGBT community na ninakawan at pinatay idineklarang lutas ng QCPD

NALUTAS agad ng Quezon City Police District (QCPD) ang panggagahasa at pag­paslang sa isang miyem­bro LGBT community matapos maaresto ang tatlong suspek makalipas ang dalawang oras nang matagpuan ang biktima nitong 20 Mayo 2021 sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Sa pulong balitaan kahapon nina PNP Chief, Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, at QCPD Director, PBrig. Gen. Antonio Yarra, kinilala ang tatlong suspek na sina Zander dela Cruz, alyas Dugong; Richard Elvin Delima Araza, alyas Tiago; at Joel Loyola, alyas Nonoy, pawang residente sa Barangay Bagong Silangan, QC.

Ang tatlo ay sinam­pahan ng kasong rape at robbery with homicide sa QC Prosecutor’s Office dahil sa panggagahasa, pagnanakaw, at pagpatay sa biktimang si Norriebe Tria, alyas Ebang Mayor.

Matatandaan, nitong 20 Mayo 2021, natagpuan ang bangkay ng biktima sa Brgy. Bagong Silangan na may palo ng bato sa ulo at mukha at pinasakan ng kahoy ang kanyang pagkababae na ikinamatay ng biktima.

Sa isinagawang follow-up operation ng QCPD Criminal Investigation and Detention Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Maj. Mon Salve, matapos na kilalanin ng kaanak ang biktima, unang nadakip si Dela Cruz, ang kababata ng biktima, matapos malaman na isa siya sa huling nakitang kasama ng biktima bago matag­puan ang kanyang bangkay.

Nang isailalim sa imbestigasyon si Dela Cruz, hindi ito mapakali hanggang umamin sa krimen at itinuro sina Araza at Loyola, ang kanyang mga kasabwat sa krimen.

Ayon kay Monsalve, inamin ni Dela Cruz, na ang krimen ay nangyari nitong 17 Mayo 2021.

Nitong 21 Mayo 2021 ayon kay Yarra, hindi inaksaya ng tropa ng CIDU ang kanilang oras kaya inaresto sina Araza at Loyola sa kani-kanilang bahay sa Bagong Silangan.

Sa imbestigasyon, si Dela Cruz ang humampas ng bato sa ulo ng biktima nang magising matapos na sikmuraan para mawalan ng malay.

Si alyas Nonoy ang itinurong nagpasok ng kahoy sa maselang bahagi ng katawan ng biktima.

Ang huli rin ang itinurong nagtangay ng mga alahas ng biktima. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …