Sunday , August 10 2025

Meteor Garden muling napapanood sa iWantTFC

NAPABALIK-TANAW ang Pinoy fans sa ika-18 taon ng unang pag-ere sa Pilipinas ng kinabaliwang Asianovela na Meteor Garden nang dagsain nila ng comments ang social media post ng iWantTFC na ipinagdiwang ang anibersaryo ng show.

Kasalukuyang napapanood ng libre sa Pilipinas ang Tagalized version ng orihinal na Mateor Garden sa iWantTFC pati na rin ang bagong Asianovela ni Jerry Yan na Count Your Lucky Stars.

Pahayag ni Carolyn Castiotos, ”I was 9 years old when I started to collect some of F4’s pictures and posters! Until now nakadikit parin sa kwarto namin.”

Sabi ni Redelene Santos, ”Kay Vic Zhou ako naadik. Naglilihi pa naman ako noong ipalabas ang Meteor Garden. Sinubaybayan ko talaga ‘yan. Now ang anak ko going 18 this July, naadik naman sa K-Pop.”

Ngayon naman, maraming Asianovela na ang mapagpipilian sa iWantTFC, kabilang na ang sikat na 2018 legal drama na Suits at ang  Story of Yanxi Palace, na hango sa isang orihinal na Chinese novel.

May mga serye rin para sa mahilig sa Thai boys’ love at kinikilig sa heartthrobs na sina BrightWin sa 2gether: The Series at Still 2gether, TayNew sa Dark Blue Kiss, at OffGun sa Theory of Love.

Mapapanood din ang A Tale of Thousand StarsThe ShipperCome To Me, at ang kuwento tungkol sa anim na magkakaibigan sa I’m Tee, Me Too.

Matututukan din ang mga kuwento tungkol sa pag-iibigan at madamdaming karanasan sa mga K-drama na Gangnam BeautyI Have a Lover, Codename: TerriusGo Back Couple, at sa sci-fi series na I am not a Robot, pati na rin ang mga award-winning na serye na Love in Sadness at Mother.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Marian Rivera boyish

Marian maganda pa rin kahit ginawang lalaki

I-FLEXni Jun Nardo LUTANG pa rin ang ganda ni Marian Rivera sa bagong pictorial para sa isang …

Aiko Melendez Quentin

Aiko nagpasalamat sa pag-share ni Candy kay Quentin

MA at PAni Rommel Placente IBINAHAGI ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook ang video clip ng pagsasayaw …

Kyle Echarri Piolo Pascual

Kyle Echarri nagsalita na sa malisyosong tsika sa kanila ni Piolo Pascual: He is like a brother

MA at PAni Rommel Placente NAGSALITA na si Kyle Echarri tungkol sa mga naglalabasang tsismis sa kanila …

Donny Pangilinan

Bigotilyong look ni Donny kinagiliwan

MATABILni John Fontanilla FLINEX ni Donny Pangilinan ang new look na mayroong bigote habang nagbabakasyon sa Hanoi, Vietnam. …

Ivana Alawi Candy Pangilinan Quentin

Ivana pinuna paggawa ng content sa ausome kids

MA at PAni Rommel Placente NAGTAMPOK sa kanyang vlog si Ivana Alawi ng mga anak ng kapwa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *