Thursday , June 4 2026

‘Permits to help’ hindi kailangan sa community pantry (Vico, Isko, Oca)

IGINIIT ng lokal na pamahalaan ng Pasig, Maynila, at Caloocan na hindi nila hihingian ng permit ang mga nag­sasaayos ng community pantries.

Sa panig ni Pasig City Mayor Vico Sotto, welcome sa kanila ang kahit anong tulong ng mga pribadong mamamayan dahil limitado ang mailalaan ng gobyerno dahil pa rin sa pandemya.

“Community Pantries have sprung up in Pasig. We commend the individuals who are helping as they can afford. Government has limited resources, so any effort to help others is very welcome,” aniya sa tweet.

“Para sa mga nagta­tanong, hindi kailangan ng permit. Wala po tayong ‘Permit to Help’.”

Gayondin ang pahayag ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi kailangan ng permit sa pagtatatag ng community pantries dahil aniya, “good deeds need no permit.”

“Directive to MPD: walang huhulihin at pagbabawalan na community pantry sa Maynila. We encourage Manilans to show compassion, care, and Love to One another,” punto ni Moreno.

Kaisa dito si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan.

“Pasasalamat at suporta ang dapat natin ibigay sa mga nasa likod ng community pantries sa lungsod.

Kung kailangan ng assistance para mapanatili ang social distancing, maaaring ipagbigay-alam sa ating barangay para matulungan, ngunit hindi kailangan ng permit,” lahad ng mayor sa Facebook account.

“Ang pagtulong at pagbabayanihan ay hindi nangangailangan ng anomang permit.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …