Friday , May 17 2024

2 mailap na tulak lagpak sa PDEA3 (Transaksiyon inilipat sa Maynila)

HUMANTONG sa dead-end at walang daang malusutan ang dalawang maiilap na hini­hinalang mga tulak ng ilegal na droga na nakipag­transaksiyon sa rehiyon sa mga hindi kilalang ahente ng PDEA3 (Philippine Drug Enforcement Agency3) at kalaunan inilipat ang deal sa Malate, lungsod ng Maynila na humantong sa kanilang pagkaaresto nitong Lunes ng umaga, 12 Abril sa isinaga­wang drug bust ng mga awtoridad.

Kinilala ni Director Christian Frivaldo ang mga suspek na sina Jose Elesito, 63 anyos, barangay tanod, kabilang sa mga high value individual (HVI); at Ricardo Amil, Jr., 34 anyos, may asawa, kapwa taga-Bgy. 14, lungsod ng Pasay.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 70 gramo ng hinihi­na­lang shabu na nagkakahalaga ng P476,000 at pinaghalong tunay na P1,000 bill at boodle money bilang na ginamit sa operasyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa mga probisyon ng Section 5 (sale of dangerous drugs) may kaugnayan sa Section 26 Paragraph B (conspiracy to sell) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek na isinailalim sa custodial investigation ng naturang ahensiya.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *