Monday , May 13 2024

Ina hot mama, bumagay pa rin kay Paulo

NATUTUWA si Ina Raymundo na kahit may asawa at apat na anak na siya, nabibigyan pa rin ng magaganda at challenging role. Ang tinutukoy ni Ina ay ang iWant digital series na Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz.

Isang May-December affair na may kakaibang twist ang istorya ng Mr & Mrs Cruz na makakatambal niya ang young actor na si Paulo Angeles.

Ani Ina sa isinagawang vitual media conference, ”Twenty-six years later may mga offer na ganito and I don’t mind accepting it because it is fun. Siguro for the past five years ‘yung mga role ko inaapi, kawawa, zombie.

“Ngayon napa-flatter ako na may ganitong offer. I’m open to it. May istorya, may challenge. Kumbaga may layer na of pain and maturity, lahat na ‘yun, hugot lahat-lahat.

“For me that’s a great combination na ‘yung character ko exudes sensuality and at the same time may layer of maturity. For me that’s so ideal,” paliwanag ng 45-anyos na aktres.

Hindi naman itinanggi ni Ina na nagdalawang-isip siyang tanggapin ang role bilang love interest ni Paulo.

“Tuwing napapanood ko talaga ang sarili ko, nagki-cringe ako, I don’t know why. Since Paulo is almost half my age, I’m always worried na baka mas magmukha akong nanay niya kaysa love interest.

Mapapanood ang Me And Mrs. Cruz sa iWant TFC Original Anthology Series sa March 26, at kasama rin dito sina Kristof Garcia, Nicki Morena at idinirehe ni Real Florido.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Running Man

Miguel sobrang na-miss si Ysabel nang mag-Korea

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob pala ng 43 days na nasa South Korea si Miguel …

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen Mahal Kita

KathDen nagpakilig sa ‘Mahal Kita’ twinning shirt

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAANDAR na naman ng bagong kilig sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa twinning shirt na …

Blind item gay male man

Male starlet pinag-aagawan ng dalawang director

ni Ed de Leon AY naku si Direk may iba na naman palang ilusyon ngayon. Eh matindi …

Kathryn Bernardo Alden Richards

Alden ayaw nang kalkalin relasyon kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NGAYON tuwiran nang sinasabi ni Alden Richards na kung ano man ang namamagitan …

Liza Soberano

Liza Soberano ‘nagpasilip’ ng katawan

HATAWANni Ed de Leon MARAMI ang nagulat nang maglabas sa kanyang social media account ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *