Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Netizens hiling ang Book 2 ng ANWANB

SINUSUBAYBAYAN at talaga namang pinag-usapan ng viewers at netizens ang pagwawakas ng top-rating GMA primetime series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday noong Biyernes (March 12).  Bukod sa certified trending topic sa Twitter Philippines noong Biyernes ang official hashtag ng show na #WvBFinale, nakapagtala rin ang last episode ng 19.6% rating ayon sa NUTAM People Ratings.

Samantala, aprubado naman sa netizens ang naging ending ng kuwento na nagkabati na ang matalik na magkaibigang sina Amy (Snooky Serna) at Sussie (Dina Bonnevie) pati na rin ang half-sisters na sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez). Kinakiligan din ng viewers ang naging proposal ni Cocoy (Migo Adecer) kay Ginalyn.

Ayon sa isang netizen, ”Nice ending!! Lahat masaya. Pagmamahal, pagpapaubaya at pagpapatawad talaga ang susi sa masayang pagsasama. #WvBFinale.”

Hiling naman ng ilan ay magkaroon pa ng Book 2 o continuation ang serye. ”Sobrang happy ako dahil ang ganda ng ending of course at the same time nabitin ako. Sana may continuation pa ang love story ni Ginalyn at Cocoy, Caitlyn at Benny. Mamimiss ko talaga ang #WarayVsBiday. Sana may Book 2 pa po.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …