SA interview ni Bea Alonzo sa vlog ni Ethel Booba kamakailan, sinabi niya na ang gusto niyang susunod na magiging boyfriend ay hindi na celebrity. Lahat kasi ng naging boyfriend niya before ay mga celebrity. Pero hindi rin naman niya masasabi kung sino ang mapipili ng puso niya. Basta’t hangga’t maari, ayaw niya na ng celebrity.
At sana raw kung sino man ang bago niyang makakarelasyon ay hindi na magiging sakit ng kanyang ulo. Pagod na siya sa sakit sa ulo.
Well, sino kaya sa mga naging boyfriend ni Bea ang naging sakit sa kanyang ulo? Una niyang naging boyfriend ang namayapang aktor na si Miko Palanca. Sumunod ay si Zanjoe Marudo at ang huli ay si Gerald Anderson.
Sino nga ba sa tatlo, Bea?
MA at PA
ni Rommel Placente