Sunday , December 22 2024
gun dead

Traffic enforcer sa Munti itinumba (P.2-M pabuya vs assasin)

MARIING kinondena nina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at Rep. Ruffy Biazon ang walang-awang pagpatay sa isang traffic enforcer na binaril sa ulo ng isang hindi kilalang suspek na naganap kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Dead on-the spot dahil sa isang tama ng bala sa likod  ang biktimang si Daniel “Utoy” Manalo, 39 anyos, supervisor at miyembro ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB), ng lokal na pamahalaan ng Muntinlu­pa.

Kaugnay sa patraydor na pagpaslang kay Manalo, nag-alok si Fresnedi ng P100,000 pabuya sa publiko sa sinumang makapag­bibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng suspek para sa ikalulutas ng krimen.

Gayon din si Biazon na nag-alok din ng P100,000 pabuya at nanawagan sa publiko na tumulong sa pagbibigay ng impormasyon sa awtoridad sa ikadarakip ng suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naka-duty noon si Manalo nang mangyari ang insidente dakong 7:10 pm, sa kahabaan ng National Road, Brgy. Tunasan, Muntinlupa.

Nabatid na si Manalo at kasamang traffic enforcer na si Saimon Pagulayan, 29 anyos, ay nagsagawa ng anti-tricyle operation sa highway nang maisipang pumasok sa isang tindahan.

Ayon kay Pagulayan, may tumawag sa cellphone ni Manalo kaya’t lumabas sila at habang may kausap biglang lumapit ang isang lalaki na armado ng baril saka pinaputukan ang biktima sa ulo.

Mabilis na naglakad patakas ang gunman matapos isagawa ang krimen.

Inilarawan naman ni Tez Valencia, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa, na si Manalo ay mabuting tao, maayos na tumutu­pad sa kanyang tung­kulin, at magalang. (MANNY ALCALA/JAJA GARCIA)

About Manny Alcala

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *