Thursday , June 4 2026
money Price Hike

Price ceiling ‘di solusyon sapat na suplay kailangan

BINIGYANG-LINAW  ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na hindi sapat ang ipapa­tupad na price ceiling kung wala naman sapat na suplay ng karne ng baboy at manok sa buong bansa.

Ayon kay Pangilinan kahit anong price ceiling ang ipalabas ng pamahalan kung walang sapat na suplay ng isang produkto ay nawawalan din ito ng saysay.

Iginiit ni Pangilinan, ang mahalaga ay may­roong sapat na suplay na manggagaling sa Visayas at Mindanao.

Ibinunyag ni Pangili­nan na may natanggap siyang impormasyon na mayroong hoarding na nagaganap kung saan may bumili ng maraming buhay na baboy at hindi muna inilabas. Saka lang umano ilalabs kapag mas mataas na ang presyo ng karne.

Ikinumpara rin ni Pangilinan ang problema ng karne ng baboy at manok sa presyo ng bigas na sumirit din pataas nang husto.

Naniniwala rin si Pangilinan na mayroong sabwatang nagaganap sa pagitan ng ilang mga namumuhunan at opisyal ng ating pama­ha­laan lalo pagdating sa importasyon.

Dahil dito tiniyak ni Pangilinan na lalo pa niyang gigisahin sa susunod na pagdinig ng Senate Committee on Food and Agriculture ang mga opisyal ng pamahalaan ukol sa biglaang pagtataas ng presyo ng baboy at manok. (N. ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …