NAIANGAT ni Rochelle Pangilinan ang mundo ng mga dancer. Isa siya sa dating member ng Sexbomb na umani ng tagumpay. Isa siya sa nag-angat ng kalidad ng mga mananayaw, ‘ika nga.
Pero hindi lahat ay bed of roses dahil all of a sudden biglang nawala ang matagumpay nilang show na Daisy Siete sa GMA.
Mabuti na lang at may talento sa pag-arte si Rochelle at ito ang kanyang naging career.
Naging maganda ang career niya sa pag-arte hanggang nakapag-asawa at nagka-anak.
Nakita naman naming maligaya ngayon sa kung anong mayroon si Rochelle. Ang balita rin namin, ang iba pa niyang kasamahan sa Sexbomb ay magaganda rin ang buhay.
At least maganda ang naibigay na career sa kanila ng dati nilang manager na si Joy Cancio.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales