HINDI na natuloy si Vice Ganda sa pagsali sa Metro Manila Film Festival, instead ipinalit sina Andrew E, Dennis Padilla, Jerald Napoles, at Janno Gibbs.
Well, no big deal naman daw sakaling wala si Vice Ganda dahil marami namang artista puwedeng mapanood.
Sa totoo lang, marami rin namang anak ng Diyos na puwedeng bigyan ng chance para mapanood ng fans.
Ang kaso lang hindi pa man nagsisimula ang MMFF, iniintriga na agad.
Eniwey, si Direk Al Tantay ang nagdirehe ng pelikula nina Andrew, Dennis, Jerald, at Janno.
Sa totoo lang, maraming favor sa style ni direk Al kaysa ibang director na pulit-ulit na kabadingan lang ang ipinakikita basta makapagpatawa lang.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales