MARAMI ang nakakapansin na mas maingay ang bali-balita ukol sa mga luxury car at ipinatayong mansion ni Coco Martin kaysa tulong na ibinigay sa mga tauhan o nakasama sa action-seryeng, FPJ’s Ang Probinsyano.
Ang pagtulong ni Coco sa mga kapwa-artista ay nakuha niya sa yumaong Fernando Poe Jr.. Hindi na nga mabilang ang mga artistang muling binigyang pagkakataon ni Coco na magkaroon ng trabaho at makaharap muli sa kamera.
Hindi pa kasama riyan ang ibang natutulungang ng actor na hindi na ipinaalaman pa.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales