MASAKLAP ang naging epekto ng lockdown sa lovelife ni Rhian Ramos. Hiwalay na si Rhian sa Israeli businessman boyfriend niyang si Amit Borsok.
Eh dahil sa break-up, naging dahilan ito ng pangangayayat ng Kapuso actress, huh!
Sa kanyang latest vlog ay inilantad ni Rhian ang rason ng pangangayayat niya
“I went through a break up,” bulalas niya.
“I was so hard, I really had a hard time guys. And not just ‘cause I was, like brokenhearted and like shattered but other things in my life were giving me a lot of stress,” dagdag ni Rhian.
Walang direktang rason sa break-up nila ng boyfriend na nakilala niya noong nag-aral siya sa New York City.
Basta sa ngayon, kumakain na siya ng tatlong beses, may twice a week na Bible study at dahil need na niyang mag-work, kailangan niyang iwan ang inang si Cara Ramos na kasama n’ya sa bahay sa Alabang.
“I promise I’m gonna do my absolute best to make sure I am taking care of myself in every way,” saad ni Rhian.
Nalalapit na rin ang balik-taping niya sa naudlot na Love of My Life at nasa cast din siya ng weekly drama na I Can See You na Truly Madly, Deadly kasama sina Jennlyn Mercado at Dennis Trillo.
I-FLEX
ni Jun Nardo