SA recent episode ng Home Work, nagpa-sample si Barbie Forteza ng mga natutuhan niya mula sa online acting masterclass ng seasoned actress na si Cherie Gil. Ilang segundo lang ay nagawa nang umiyak ni Barbie, kaya napahanga niya ang host ng programa na si Rovilson Fernandez.
Kuwento ni Barbie, sumali siya sa acting class para maiwasan ang boredom habang naka-quarantine at para mas mahasa ang talent sa pag-arte.
Aniya, “Noong nagsimula po talaga tayo ng quarantine, wala na po talaga akong ginawa. Perfect timing naman na nag-post si Ms. Cherie Gil na magko-conduct s’ya ng online masterclass. Sabi ko, what better way na matuto kundi learn from the best.”
Napapanood ang Home Work ng New Normal: The Survival Guide tuwing Huwebes, 9:15 p.m. sa GMA News TV.
RATED R
ni Rommel Gonzales