Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapakasal ni Kris Bernal, ‘di na tuloy

NGANGA na sa kasal, nganga pa rin sa pinagagawang bahay ang Kapuso actress na si Kris Bernal kaya double whammy ang nangyari sa kanya dulot ng pandemya dahil sa Covid-19.

Unang naudlot ang pagpapakasal ni Kris sa fiancé niyang si Perry Choi. May 2021 ang orihinal nilang plano.

Eh dahil sa pandemya, nahirapan silang magpa-reserve sa simbahan, makabuo ng team na mag-aaasikaso sa kasal nila.

“Wala, talagang zero planning kami ngayon. Hindi namin maasikaso. Hindi rin sure kung kailan. Hindi rin sure kung matutuloy sa May 2021, ‘di ba? So talagang stop muna,” pahayag ni Kris sa kanyang latest You Tube vlog.

Pati ang pagpapagawa nila ng bahay, hindi muna rin nila itinuloy ang plano.

“Gusto sana naming magpatayo ng bahay bago kami ikasal para when we get married, may sarili na kamin bahay, may uuwian kami.

“Sobrang naapektuhan talaga ‘yon. Nag-start na lahat ng planning, ng drawing, ng design and all pero natigil na nga,” saad pa ng Kapuso actress.

Eh ‘yung negosyo nga niyang Korean resto, ginawa ni Kris itong mini-mart para may trabaho pa rin ang kanyang staff, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …