IPINASILIP ni Eugene Domingo ang kanilang naging taping sa ilalim ng new normal para sa panibagong fresh episode ng Dear Uge Presents.
Sa ipinost na Instagram video ng aktres, mapapansin na nakasuot ng face masks at maingat na sinusunod ng production crew ang social distancing.
Aniya, “Working on fresh episodes for Dear Uge Presents, this time with our cupcake @gardo_versoza and the lovely @sanyalopez.”
Sa fresh episode ay makakasama ni Eugene sina Sanya Lopez at Gardo Versoza na kapwa trending ang videos sa TikTok. Hindi tuloy nakaligtas ang Kapuso actress at napa-TikTok na rin kasama ang dalawa sa dance challenge na Savage Love.
Marami naman ang pumuri sa performance ni Eugene sa previous fresh episode ng Dear Uge Presents: My Forgettable Love nitong nakaraang Linggo kasama si Neil Ryan Sese.
Tutukan ang Dear Uge Presents tuwing Linggo, 2:30 p.m., sa GMA-7.
RATED R
ni Rommel Gonzales