Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cong. Alfred, may puso para sa mga senior citizen

SUPORTADO ang batas na naglalayon na tulungan ang ating mga senior citizen ni Quezon City 5th District Congressman Alfred Vargas.

Isa sa binibigyang prioridad at pagpapahalaga at tunay nga namang nasa puso ni Cong. Alfred ang mga senior citizen.

Ilan sa naging mensahe nito sa kanyang video na naka-post sa kanyang FB Page, “Mabigat sa dibdib ko na makakita ng senior na nahihirapan sa buhay, sa edad nila sana may konting ginahawa, paano? Suportado ko ang batas na naglalayong tulungan ang ating mga senior citezen,

“Labas man sa sakop ng tungkulin natin,gumawa  tayo ng paraan para direktang makatulong sa pag kain, gamot at medical assistance, maintenance medicines at marami pang iba.”

“Pero hindi yun sapat, sana all ang tumulong kahit konti,simulan natin sa mga senior na nangangailangan sa ating lugar.”

Dagdag pa nito, “Pakilusin natin ang ating pamilya, barkada o tropa makialam tayo sa kalagayan ng mga senior sa ating paligid ,dapat natin silang alagaan.”

“Mamulat at masanay dapat tayo,lalo na ang mga kabataan sa ganitong gawi, para sa ating mga minamahal na lolo at lola.”

At nag-iwan din ito ng mensahe para sa mga senior citizen. “Maraming-maraming salamat po sa inyong pagod hirap at pawis at sakripisyo na siyang ginawa nyo sa loob ng napakaraming taon na ginawa niyo sa inyong buhay, alang-alang sa kinabukasan naming mga anak at apo ninyo.

“Hindi po namin ito nalilimutan at hindi po namin ito makakalimutan sa dami at laki ng inyong sakripisyo sa amin , hindi po ba panahon naman ngayon na kami naman ang mag alaga sa inyo, na kami naman ang magpakita ng utanf na loob at pagmamahal sa inyo, panahon na para kami naman ang mag bigay ng magandang buhay.”

May mensahe rin siya sa mga anak at apo, “Sa lahat ng mga anak, sa lahat ng mga apo, panahon na para tayo naman ang mag alaga sa kila Lolo at Lola mahal na mahal po namin kayo, isa pong mapag palang araw sa ating lahat.”

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …