Sunday , November 24 2024

Deborah Sun, nagnanais makaarte muli sa telebisyon

MAY takot pa ba na lumulukob sa dibdib ng dating aktres na si Deborah Sun?

Naging laman na rin ng mga balita dahil na rin sa mga kinasangkutan niyang isyu at kontrobersiya si Deborah. Droga. At iba pa. At tinanggap naman niya at pinagdusahan ang mga kasalanan.

At sa pagbangon niya, sa mga pagbabagong nasimulan na rin niyang gawin para mabura na ang parusa ng nakaraan, nagsasabi pa rin namam si Deborah na gusto pa rin niyang maka-arte sa harap ng kamera. Kahit sa panahong ito na umaariba pa rin ang pandemya.

Kinumusta ko si Deborah. Sabay ng pagpapahatid sa kanya ng paayudang pagkain mula sa may-ari ng RBiel’s Bistro na si Dom Villaruel.

Hindi lang tuwang-tuwa si Deborah. Mangiyak-ngiyak ito habang kausap ko.

Sixty one na ang senior na aktres. At may diabetes.

“Wala. Hindi ako nakaiinom ng gamot, matagal na. Walang pera. ‘Pag mayroon akong kaunting pera iyon gamot ni Jam (anak niya) ang binibili ko.” 

Kasama rin nila ni Jam ang bunso niyang si Jemmalyn. 

“Naku lagi akong lumalabas din. Bibili ng gamot ni Jam, pagkain namin. Bahala na si Lord sa akin, sa amin. Hindi ako papayagang mawala agad sa mga anak ko.

“Nagbigay sila ng ayuda para kay Jam lang, isang beses lang. Sa akin wala eh senior citizen ako. Kasi si Jam, PWD ‘di ba. Isa lang ang pwede. Kasi  ako ang guardian ni Jam. Nagbigay sila galing yata sa Mayor, kay Joy Belmonte, P2k sa senior. Tapos sabi ng marami dalawang beses iyon dapat. ‘Ika ko baka nasa bulsa na ng kung sino. Ha ha ha…”

Ang laki ng pasasalamat ni Deborah sa dati ring artistang si Beth “Bote” Bautista.

“Ito si Bote pa nga ang nagbigay sa akin ng cellphone noong lumaya ako sa correctional ng 2007. ‘Pag labas ko, siya nasa labas at sinalubong ako, binigyan ako ng cellphone at iyang sim card number na iyan, ‘yan pa rin ang gamit ko until now.

“Ang sobra ang pasasalamat ko, kay Ara Mina. Sa totoo my dear hirap ako, kami talaga. Mabuti na lang mabait si Ara hindi kami pinaaalis dito sa condo niya. Noong lockdown nagpadala siya ng groceries and isang kabang bigas. Tapos noong naka-confine si Jam nagpadala siya ng pera. 

“Sobra ang bait. Noong nakakulong kami ng anak ko. Mayroong nag- interview sa kanya, kay Ara. Sabi, ‘Eh, ‘di Ara papaalisin mo na sila Deborah sa unit mo na tinitirhan nila ng mga anak niya?’ Alam mo sagot ni Ara—-KUNG NOON TINULUNGAN KO SI TITA DEB, MAS TUTULUNGAN KO SIYA, SILA NGAYON. KASI MAS LALONG KAILANGAN NI TITA DEB, NILA NG TULONG NGAYON.’ Iyan ang sagot ni Ara sa reporter. Ipinakita lang sa akin noong nandoon pa kami sa loob. Kaya sobra ang pasalamat ko sa Panginoon sa mga taong patuloy na tumutulong sa akin. Kaya gusto ko magkatrabaho. Sabi nila may nagbukas sa TV5. Sana, makapag-guest din.”

Sana nga, mabigyan pa ng pagkakataon si Deborah na nagnanais pa ring maging makabuluhan ang buhay sa kabila ng mga dinaanang dagok!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *