MAHIRAP palang mawalan ng ama. Ito ang sumbong ni Sen. Bong Revilla simula nang pumanaw ang amang si Don Ramon Revilla Sr..
Feeling ni Bong, laging may kulang. Nakasanayan na kasi niya na laging kausap si Mang Ramon. Laging kakuwentuhan at sumbungan niya kapag may problema.
Ngayon, wala na siyang nakakausap kapag may problema.
Ibang klaseng anak si Bong. Mahal na mahal niya si Mang Ramon kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move-on..
Worried nga siya kung after 40th day, sa Agosto 5, ng kanyang ama ay maka-move-on na siya.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales