Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael V. vlogs, kinapupulutan ng aral

ISA ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. sa mga iniidolo ngayon ng nakararami dahil sa vlogs niya na talaga namang kapupulutan ng aral.

 

Ayon sa Bubble Gang at Pepito Manaloto star, mahalaga na maibahagi niya sa mga kabataan ang natutuhan sa ilang taon niya sa showbiz.

 

Sa latest YouTube vlog ni Bitoy, ikinuwento niya na pinangarap din niyang maging teacher simula pa lang nang makapasok sa showbiz. Si Bitoy ay graduate ng Mass Communications sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

 

Dagdag pa ng Kapuso comedian, malaki ang pagkakaiba ng mga natutuhan niya sa kolehiyo mula sa kanyang actual working experience.

 

“Being here in the industry, gusto ko ring mai-share sa mga Mass Comm. students ‘yung sistema ng showbiz dito sa Pilipinas. Iba kasi ‘yung natutuhan ko sa college roon sa actual na na-experience ko sa projects ko. In a way, gusto ko mamulat ‘yung mata ng mga estudyante roon sa mga dapat nilang i-expect kung sakaling interesado silang gawin ‘yung mga ginagawa ko,” paliwanag ni Direk Bitoy.

 

Napapanood si Michael V. sa longest-running comedy show na Bubble Gang tuwing Biyernes, 10:00 p.m., at sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto tuwing Sabado, 7:00 p.m., sa GMA Network.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Annette Gozon Ellen Adarna

Annette Gozon inispluk Ellen wala na talagang balak mag-showbiz

I-FLEXni Jun Nardo IKINATUWA ni Ms Annette Gozon Valdez, isa sa top executives ng GMA Network, ang lakas …

Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …