Saturday , November 16 2024
LIMANG frontliners ng East Avenue Medical Center (EAMC) ang inaresto na kinabibilangan ng itinurong tulak na si Emmanuel Leongson, at ang apat na kasamahan sa ikinasang buy bust operation sa basement ng nasabing ospital sa kabila ng banta ng COVID-19. (ALEX MENDOZA)

5 EAMH frontliners, huli sa droga sa basement ng ospital

LIMANG frontliners ng East Avenue Medical Center (EAMC) ang dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang makompiskahan ng shabu sa basement ng ospital, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, ang mga suspek ay kinilalang sina Emmanuel Leongson, 45, nurse attendant, residente sa July Extension, Barangay Bahay Toro, Quezon City; Guardo Hermino, 41,  garbage collector, ng Blk. 2, Sawata, Dagat-Dagatan, Barangay 35, Caloocan City; James Daguian, 47, janitor, ng Dumaguete Extension, Pael, Barangay Culiat, Quezon City; Rowel Tina, morgue attendant, nakatira sa Blk. 1, 116, Purok Pag-asa, Barangay Batasan Hills, Quezon City; at Bonifacio Castillo, 37, morgue attendant at residente sa No. 30-B, Victory Ave., Barangay Tatalon, QC.

Nadakip ang lima sa staff quarters ng ospital sa Basement Tahan Tahanan, Barangay Central, QC.

Dakong 10:00 pm nitong 6 Hulyo 2020, ikinasa ng QCPD Kamuning Station (PS10) Drug Enforcement Unit ang buy bust laban kay Leongson makaraang makakuha ng tip hinggil sa pagtutulak ng droga sa ospital at sa Barangay Central.

Kasama ni Leongson sina Herminio at Daguian nang iabot ang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer sa pasilyo ng ospital.

Pero nagawang makatakbo nina Herminio at Daguian kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang maabutan sa staff quarters at maaresto.

Pagpasok sa quarters, huli sina Tina at Castillo na hinihinalang katatapos gumamit ng shabu.

Nakompiska sa lima ang pitong medium size sachet ng shabu, at buy bust money na P2,000; 6 pieces  improvised tooter, may residue ng shabu; 1 aluminium foil; 5 pieces disposable lighters; at 2 digital weighing scale. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *