Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard sa Congress, Lucy sa Mayor sa 2022

WALA pang kasiguraduhan kung muling tatakbo si Ormoc City Mayor Richard Gomez bilang ama ng lungsod para sa ikalawang termino niya dahil patapos na sa ikatlong termino niya bilang Congresswoman ang asawang si Lucy Torres-Gomez.

Sa FB Live tsikahan nina Richard at talent manager/actor/host na si Ogie Diaz ay natanong ang una kung may planong kumandidato sa Senado si Lucy at malabo ang sagot ng dating aktor.

“Napakalawak ng ikino-cover ng senate at saka parang wala sa radar namin na ganoon ang tatahakin,” sabi nito.

Sa madaling salita, si Lucy ang kakandidatong Mayor at si Goma sa Kongreso.

“Depende kasi dapat maganda ang relasyon ng congresswoman o congressman at mayor. Kasi ‘yung mayor siya naman ‘yung nag-i-implement ng batas. ‘Yung congresswoman o congressman sila ‘yung gumagawa ng batas at nagdadala ng malalaking projects sa distrito. Dapat magkakampi kayong dalawa para mabilis ‘yung progress, mabilis ‘yung pagpasok ng infrastructure program sa isang lugar. Ganoon ang nangyayari sa amin dito ni Lucy kasi sila ‘yung nasa national offices,” katwiran ni Mayor Richard.

Samantala, usong-usong na naman ang cyber bullying kahit na marami na ang napatawan ng parusa rito at si Sharon Cuneta-Pangilinan ang latest victim na pinagsalitaan ng hindi maganda ang mga anak.

Inamin ni Richard na mahirap talagang kalaban ang social media

“’Yun ang problema kasi sa social media, anybody can just post anything. Pag-post ng opinyon nila, post ng galit nila, post ng inis nila. Siguro tayong mga artista, we have to accept the fact na mayroong may gusto sa atin, mayroong ayaw, so minsan masakit at napupuno ka na, kahit naman ako sumasagot ako sa mga ganyan.

“Tao rin tayo na nasasaktan, taong may damdamin kahit naman ako madaling mapikon so, ang ginagawa ko kung kaya ko silang i-delete, idini-delete ko sila, kung kaya silang i-block, bina-blocked ko sila,” sambit niya.

Ano ang maipapayo niya kay Sharon na magsasampa ng kaso sa DOJ

“That is her right kung ano ang gusto niyang ikaso. Pero parang nakita kong humingi na yata siya (Ronald Carballo) ng paumanhin, well it’s her right (ituloy ang demanda).”

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …