Wednesday , December 18 2024

DOJ at Manila RTC isinailalim sa lockdown  

WALANG PASOK ang mga empleyado ng Department of Justice (DOJ) habang inatasan ang lahat ng hukom at empleyado ng korte na nag-oopisina sa gusali ng Manila City Hall na sumailalim sa self quarantine, simula kahapon.

 

Base sa inilabas na Department Order No. 152 ni Justice Secretary Menardo Guevarra  noong Miyerkoles, suspendido hanggang 28 Hunyo ang lahat ng “on-site work” sa DOJ Main Office at DOJ Annex Building sa Engracia Reyes St.

 

Ang hakbang ay ginawa matapos magpositibo sa COVID-19 RT-PCR Test ang tatlong empleyado ng hindi tinukoy na sangay ng korte.

Kaugnay nito, inatasan ang mga empleyado na sumailalim sa self quarantine kung hindi kinakailangan ang hospital testing o medical service.

 

Batay naman sa memorandum na inilabas ni Manila RTC Executive Judge Virgilio Macaraig: “All judges and court employees affected are advised to avoid contact with the public and to conduct tracing of all persons they may have in contact with at the court premises for the last two weeks.”

 

Nabatid na magkakaroon ng skeletal force sa dalawang ahensiya na tatanggap ng mga communications,  letters,  affidavits, motions, pleadings, at iba pang dokumento.

 

Maaaring magsagawa ng video conferencing at tumanggap ng pleadings sa panahon ng quarantine alinsunod sa guidelines ng Supreme Court (SC).

 

Nakatakdang magbalik ang normal na operasyon ng DOJ sa darating na 29 Hunyo habang sa 30 Hunyo naman sa Manila RTC.

 

Hiniling ni Macaraig sa lokal na pamahalaan ng Maynila na magsagawa ng disinfection sa mga tanggapan ng korte.

 

Dahil dito, muling magsasagawa ng misting decontamination at disinfection ang mga tauhan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagos sa nasabing bisinidad. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *