Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aicelle Santos, nag-aalala sa kapatid na nasa UK

SOBRA-SOBRA ang pag-aalala ni Aicele Santos sa kanyang kapatid na frontliner.

Kuwento ni Aicelle, isang healthcare worker ang kapatid niya sa UK kaya naman hindi maiaalis sa kanilang pamilya na mag-alala.

“Hindi maalis sa amin, sa buong pamilya namin na mag-alala. Kumusta ba ‘yung kalagayan niya? Halos araw-araw ipinapaalala namin na doble ingat. We’re very very proud kasi ‘pag sinabi mong frontliner, health worker, karamihan po riyan Pinoy talaga. At ‘yung sakripisyong ginagawa po nila ay napakalaking bagay kaya maraming salamat po.”

At dahil mahalaga kay Aicelle ang mga frontliner, hinandugan niya ang mga ito ng isang soulful rendition niya ng awiting Tuloy Tuloy Lang nang mag-guest siya sa Unang Hirit kamakailan.

Aniya, bagay na bagay ang kantang ito sa panahon na kinakaharap natin ngayon para magbigay-inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan.

 

“Noong dumating na nga itong pandemya, binalikan ko ‘yung kanta. Sabi ko, ‘Tamang-tama ‘yung mensahe niya, very timely. May pag-asa at liwanag sa bandang huli.’”

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …