Wednesday , July 30 2025
DJ JhaiHo

Jhaiho, tindahan ang sagot sa naghihingalong kabuhayan

BUKOD kina DJ Chacha at DK Onse Tolentino, isa rin sa naging paborito kong abangan ay si DJ JhaiHo sa MOR.

Kahit sa kanyang social media accounts like FB, makapupulot ka ng magagandang istorya mula sa mayroon na ring show sa Jeepney TV na madalas makasama ng celebrities na si JhaiHo.

Nakatutuwa rin at nakai-inspire.

“Eksena sa grocery store.

“Sa Cashier na para magbayad ng pinamili.

“Baggage Boy: Sir nakakalungkot talaga wala paring ABS-CBN  Wala kaming mapanuod sa TV, Kahit yung show niyo po na Showbiz Pa More sa Jeepney TV hindi din namin mapanuod na  

“JhaiHo: Wooow Salamat naman at Solid Kapamilya kayo.. (sabay demo ng kamay at sinabi ko ang Showbiz Pa More na signature tuwing babanggitin sa show) 

“Baggage Boy: oo nga sir! yun nga po.. tuloy parin ba ikaw sa pagtaping? may bago ka bang inenterview na artista? 

“JhaiHo: OPO! tuloy tuloy po tayo via ZOOM pero sa skycable at online po tayo mapapanuod pansamantala.. Dasal tayo na sana maging patas at maging maayos ang hearing at makabalik agad <Øûß 

“Baggage Boy: Sana nga po. sobrang lungkot namin kasi wala talagang ABS-CBN sir. 

“JhaiHo: Ako din super lungkot. pero laban po tayo. Sana maawa sila saamin at bigyan na kami ng Franchise <Øûß kung hindi paano pako makakapag grocery ulit dito sainyo kung mawawalan na ako ng trabaho. hahaha sabay tawa. 

“Hanggang sa sasakyan inasist ako nila at tinulungan. Pinasalamatan ko sila pati cashier ng bongga kasi andyan sila para makapag serve sa mga customers pero kahit naka mask kana alam nila na KAPAMILYA ka. Kapamilya natin sila, ang maraming Pilipino na kasama ang ABS-CBN mula noon hanggang ngayon!”#KapamilyaForever

At sa dala ng pandemic sa panahong ito, nagbukas ng kanyang online tindahan si JhaiHo na nagbebenta ng masks at disinfectant para makatulong din sa naghihingalo niyang kita.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Blind Item, male star, 2 male, gay

Closeness ng dalawang singer kapansin-pansin

REALITY BITESni Dominic Rea AYAW matigil-tigil ang tsismis patungkol sa dalawang male singer huh. Ayon sa bungangerang …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia napaka-natural umarte

REALITY BITESni Dominic Rea BAGUHAN man sa mundo ng musika na last year ay inilunsad …

Joaquin Arce Tasha Mitra Julia Mitra Ezri Mitra Angelina Cruz Montano

Angel binasag katahimikan, Regine proud tita sa 3 pamangkin; Angelina naiyak 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ILANG taong hindi nagparamdam si Angel Locsin at tanging ang anak na lalaki …

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Sarah ipinaghanda ng French birthday dinner ni Matteo

MATABILni John Fontanilla ISANG romantic French dinner ang inihanda ni Matteo Guidicelli para sa kanyang asawang si  Sarah …

Ellise Joson McCoy de Leon

Elisse at McCoy tinuldukan limang taong pagsasama

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS ilang beses maghiwalay noon at nagkabalikan, this time ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *