Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward
Jillian Ward

Jillian Ward, wish mag-portray ng papel na may mental disability

AMINADO ang magandang teenstar na si Jillian Ward na sobra siyang natuwa nang maging bahagi siya ng top rating TV series ng Kapuso Network titled Prima Donnas.

Saad niya, “Sobrang natuwa po ako noong una kong nalaman na part po ako ng Prima Donnas. Bale, first bida ko rin po bilang dalaga. Na-pressure rin po, kasi alam kong may lalim talaga po ‘yung character ko rito and ito po talaga ‘yung pag-blossom ko sa pagiging mas mature na aktres.

“Ito na rin po talaga ‘yung start ng pagiging dalaga ko nga po. Bukod sa mas may lalim, mas seryoso na po iyong ginagawa ko ngayon.”

Gumaganap si Jillian sa naturang serye ng GMA-7 bilang si Donna Marie, ang pinaka­res­ponsable sa tatlong mag­ka­kapatid na Donna. Itinu­turing niyang biggest break ang naturang serye na tinatampukan din nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Sofia Pablo, Althea Ablan, Miggs Cuaderno, at iba pa.

Nabanggit din ni Jillian na happy siya sa mataas nilang ratings. “Opo! Nagte-ten percent po kami, kaya sobrang grateful po kaming lahat na parte ng Prima Donnas.

“Regalo po talaga sa amin ni God ito, lalo na po sa aming mga teens dahil I’m sure, rito rin po sila pinakanatuto sa pag-arte, katulad ko.”

Ayon pa kay Jillian, excited na siyang magbalik-taping sa kanilang serye, kaya wish niyang huwag nang maging matigas ng ulo ng iba para matapos na ang pangamba ng lahat sa COVID-19. “Sobrang excited na po kaming lahat, pero sa ngayon po, siyempre stay at home muna para safe po ang lahat.

“Ipinagdarasal ko nga po na wala nang matigas ang ulo para makabalik na rin po kami sa TV at magpasaya na muli ng mga tao, ng mga suking televiewers ng Prima Donnas. At siyempre po, kasama sa dasal ko lagi na maging okay na po talaga ang lahat, iyong parang maging back to nomal na rin po tayong lahat,” aniya pa.

Ano ang kanyang dream role? “Gusto ko pong mag-portray ng character na may mental disability, para po maka-spread din ako ng awareness sa mga kapwa Filipino po natin. Para sa akin po, feeling ko iyon ang pinaka-challenging dahil hindi po natin alam kung ano talaga ‘yung nafi-feel nila or gaano ‘yung hirap na pinagdaraanan nila. Lalo na po, punong-puno ng judgement ang mundo,” aniya pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …