Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, sa pagsasara ng ABS-CBN—Walang magpapaalam, mahabang komersiyal lang

“MAGPAHINGA ka muna mahal naming istasyon. Hindi pa tapos ang laban,” ito ang post ni Angeline Quinton kasama ang logo ng ABS-CBN.

Malaki ang nagawa ng Kapamilya Network sa pagbabago ng buhay ni Angeline simula nang manalo siya sa patimpalak na Star Power, 2011.  Pagkalipas ng nine years ay nakapagpatayo ng sarili niyang bahay si Angge kasama ang Mama Bob niya, naipagawa ang lumang bahay sa Sampaloc na ngayon ay pinare-rentahan at nakatulong sa mga kaanak.

Dahil sa ABS-CBN, nakilala sa buong mundo si Angeline dahil sa mga programang nilalabasan niya at naging daan ito para maimbitahan siya sa mga show sa pamamagitan ng TFC.

Malaki ang epekto ng pagsasara ng network kay Angeline at sa iba pang Kapamilya stars dahil tulad din sila ng 11,000 employees na umaasa ng ikabubuhay sa pamamagitan ng mga programang nilalabasan nila.

Post ng mang-aawit, “Kanina pa ako gising. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Ang daming malungkot. Hindi po ako sanay ng malungkot. Sa lahat ng kasamahan ko sa trabaho, sa lahat ng mga kaibigan ko, sa lahat ng kasama ko sa Pangalawang Tahanan ko.

“Gusto ko po kayong yakapin isa-isa. Hindi natin papabayaan ang Abs-Cbn. Habang buhay. Magkakasama tayo Kapamilya.

“Nasasaktan po ako. Hindi dito magtatapos lahat. Hihintayin kong dumating ang araw na makita ko kayo ulit.

“Makakapagtrabaho tayo ng masaya at magkakasama ulit. Walang magpapaalam, mahabang commercial lang.”

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …