Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baeby Baste, may sweet message para sa amang frontliner

PRAYERS at sweet message ang handog ng cute na cute na Eat Bulaga host na si Baeby Baste sa kanyang amang pulis na kamakailan lamang  naka-recover sa Covid-19.

 

Isa ang ama ni Baeby Baste na si Papa Sol sa mga nagpositibo sa virus mula sa Philippine National Police. Sa isang eksklusibong panayam mula sa 24 Oras, inamin ni Baeby Baste na sobra nitong na-miss ang ama na balik-serbisyo kaagad matapos gumaling.

 

Hindi ito makauwi dahil isa ito sa mga patuloy na nagbibigay serbisyo ngayong may Covid-19 pandemic.

 

“Lord kayo na po bahala sa Papa Sol ko at sa iba’t ibang frontliners sa buong mundo. Alam ko po ‘di N’yo po sila pababayaan. Kaya please lang Lord, i-protect N’yo po sila kasi sobrang dami pong naghihintay sa kanila,  families nila,” dagdag pa ng Kapuso star.

 

Kahit miss na ang kanyang amang frontliner, tuloy pa rin sa pagpapaabot ng food at medical supplies sa mga PNP frontliners si Baeby Baste.

 

“Saludo po kami sa inyo. In our own little way, sana po ay makapagbigay ng ngiti po ito sa inyo… ipag-pray ko po kayong lahat,” say ni Baeby Baste.

 

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …