Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lani Misalucha, hindi lang singer, home repair diva na rin

MULA sa kanyang titulong Asia’s Nightingale dahil sa mala-world class na talento sa pagkanta, may panibagong nama-master na skill ang Kapuso singer at former The Clash judge na si Lani Misalucha ngayong naka-home quarantine siya at ‘yun ay ang pagiging home repair diva.

 

Ayon sa kanyang eksklusibong panayam sa Unang Hirit, ibinahagi ni Lani na nadiskubre niya ang panibagong skill na mag-repair at magkumpuni ng mga appliances sa kanilang inuupahang condominium gaya ng air-conditioner. Magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine, marami siyang napapansing kagamitan sa kanilang condo na kailangang ayusin kaya naman ibinubuhos ni Lani ang kanyang oras dito.

 

“So ‘pag ganyan pala kahit maliit lang ‘yung lugar mo, puwede ka pa rin pala makakita ng puwedeng gawin. Makakakita ka ng mga, ‘Ay ito pala, kailangan pala itong i-repair,” saad ni Lani.

 

 Dagdag pa ni Lani, katulong din n’ya ang asawang si Noli Misalucha sa pagkukumpuni ng mga kagamitan.

 

Bukod sa home repair, hobby at part na rin ng daily routine ngayon ni Lani ang panonood ng Korean dramas.

 

Samantala, bukas pa rin ang online audition para sa ikatlong season ng The Clash mula April 4 hanggang June 28, 2020. Pumunta lang sa official website ng GMA o sa Facebook Messenger ng The Clash.

 

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …