KINUKUWESTIYON ng aktres na si Jobelle Salvador na kasalukuyang nasa Amerika ang mga naka-charge sa bill ng kapatid niyang si Jonathan Salvador na nasa Makati Medical Center ngayon dahil naoperahan.
Post ni Jobelle sa kanyang FB account nitong Linggo, “Question lang? I just saw my brother’s hospital bill and I was just surprised that the N95 masks, gloves and PPE suits used by the doctors and nurses are being charged to the patient. Is this the norm in hospitals? N95 mask – P427.50 each, Gloves – 307.50 each, PPE suit – 1,650 each, Surgical gown – 3,000?
Ito rin halos ang karamihang tanong ng mga kakilala naming nagpa-ospital na lumobo nang husto ang kanilang hospital bills dahil sa mga naka-charge sa kanila na gamit ng mga doktor at nurses.
Hindi ba’t sagot ng ospital ang mga ganitong gamit? Or hindi ba’t galing sa donasyon ang karamihang gamit ng mga ospital ngayon na PPE, face mask, gloves at iba pa? Bakit kailangang pabayaran sa pasyente?
Biro nga ng iba, hindi mamamatay sa sakit ang pasyente kundi sa iniisip nitong bayarin sa ospital.
Anyway, may fund raising si Jobelle para sa kapatid niyang naka-confine ngayon sa Makati Medical Center dahil inoperahan sa preceptal cellulitis at hindi makalabas ng ospital dahil walang pambayad, bukod dito ay naapektuhan ang paningin ng pasyente dahil diabetic din.
Dumating sa Pilipinas si Jonathan galing Las Vegas, Nevada USA para personal na asikasuhin ang mga papeles at inabutan ng Enchance Community Quarantine o ECQ at nagkasakit at itinakbo sa nasabing ospital.
Nasa mahigit P300,000 ang bill ni Jonathan kaya naisip ni Jobelle na mag-fund raising para sa kapatid.
Ang mga gustong tumulong ay maaaring magpadala sa BDO Savings Account No. 001430167813 o sa pamamagitan ng Paypal, Zell or Venmo. Ang email address ni Jobell ay [email protected].
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay may update si Jobelle sa kapatid.
“Just an update, my brother had another procedure yesterday due to seroma. I haven’t spoken with him since. I’m praying that he’s alright. Please pray for my brother’s fast healing and recovery.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan