NAKABALIK na sa bansa ang apat na miyembro ng UPGRADE na sina Ivan Lat, Mark Baracael, Armond Bernas, at Casey Martinez mula sa tatlong buwang pamamalagi sa Japan para mag-show.
Sa kanilang pagbabalik, na-house quarantine ang apat para tiyaking hindi sila nahawa ng Covid-19.
Ilang buwan munang mamamalagi sa bansa ang apat at kapag wala na ang Covid-19 ay muling babalik sa Japan para sa tatlong buwan muling pagso-show lalo na’t marami ang nagre-request sa kanila.
Habang ang iba namang miyembro ng UPGRADE na naiwan sa Pilipinas na sina Hanz, Prince, Miggy, Rhem, Earl, Joshua, at Raymond ay patuloy na nagso-show sa iba’t ibang panig ng bansa at sa mga variety show sa Kapuso at Kapamilya Network after Covid-19.
MATABIL
ni John Fontanilla