Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun QC

1 suspek nadakip, 1 nakatakas… PDEA Intel patay sa kabaro, 2 sugatan

BINARIL at napatay ang isang intelligence officer ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ng kanyang kabaro, habang dalawa ang nasugatan nang pumagitna at awatin ang kasama na nakitang nakikipagtalo sa isa sa kostumer sa comfort room ng  isang kainan sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang napatay na si Mark Jerome Rivera Almeyda, 30, PDEA Intel officer-1, at residente sa Marville Subd., Maayao Kaunlaran, Lucena City.

Sugatan sina Joshua Gonzalo Marfil, 21, estu­dyante ng Maligaya Subd., QC, at Jhay-Ar  Dalijan Ramos Jr., 23, binata, waiter at nanini­rahan sa Brgy. San Agustin, QC.

Ang mga sugatan ay kasakuyang inoobser­bahan sa Commonwealth Hospital & Medical Center dahil sa  tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Agad naaresto ang suspek na si Jonathan Sagun Chua, 35, binata, PDEA Intel Officer ng ICF San Fabian St., Brgy. 20, Tondo, Maynila, habang nakatakas ang kasamang si Rodolfo Lavarias Espeleta, 25, binata, PDEA Intel Officer at residente sa Blk 59, Lot 33 Sto. Niño 1, CSJDM Bulacan.

Batay sa inisyal na report ni P/SSgt. Agrabiador Bartolome ng QCPD Fairview Police Station 5, dakong 1:00 am kamakalawa, 7 Enero, nang maganap ang barilan sa loob ng Bodega Food Hub na matatag­puan sa Mindanao Ave., Brgy. Greater Lagro sa nasabing lungsod.

Una rito ay nama­taang nagtatalo ang biktimang si Marfil at ang suspek na si Espeleta kasama si Chua sa labas ng male comfort room ng nasabing establi­simiyen­to.

Nagtangkang awatin ng mga biktimang sina Almeyda at Ramos ang pagtatalo ng dalawa ngunit imbes huminahon ay agad bumunot ng baril si Espeleta at pinapu­tukan si Marfil.

Pagkatapos barilin si Marfil, galit na pinagtu­unan ang mga umawat na sina Almeyda at Ramos na sunod pinaputukan.

Nang duguang bumagsak ang tatlong biktima, mabilis na tumakas si Espeleta dala ang baril na ginamit sa pamamaril habang isinu­god ni Chua si Almeyda sa Fairview General Hospital ngunit binawian ng buhay dakong 2:17 am nitong 7 Enero, batay sa deklarasyon ni Dra. Charrel Marasigan.

Nasamsam ng SOCO team sa pamumuno ni P/Lt. Michael Jabel sa crime scene ang tatlong basyo ng bala at dalawang metallic jacket fragment.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na PDEA officer  habang inaalam ang motibo sa naganap na barilan. (ALMAR DANGUILAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …