Thursday , June 4 2026

Ama isinabit ni De Lima sa droga… Rep. Velasco ok sa drug war ng Digong admin

IPINAGTANGGOL ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang anti-drug campaign ng Duterte administration sa harap ng pagbatikos ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Velasco, 79% Pinoy ang satisfied sa anti drug campaign batay sa Social Weather Station (SWS) Survey at mula nang ilunsad ito noong 2016 ay naging mas ligtas ang mga kalsada at mas nararamdaman ng mga Filipino ang sense of security.

Sa MIMAROPA (Oriental and Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan) region na kabilang ang distrito ni Velasco ay bumaba umano ang kaso ng illegal drugs.

Sa datos ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA), 64% ng mga barangay sa MIMAROPA ay naide­klarang drug-free.

Matatandaan, una nang naging kontro­bersiyal ang Marinduque pagdating sa illegal drugs nang masakote ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Marinduque Philippine National Police (PNP) ang dating staff at driver ni Velasco na maliban sa droga ay nakompiskahan din ng matataas na kalibre ng mga baril.

Si Mark Dexter Anthony Preclaro ng Santa Cruz, Marinduque, personal driver ng mam­babatas ay inaresto matapos mahulihan ng 18 gramong shabu na nagka­kahalaga ng P120,000, drug para­phernalia, 5.56 rifle, dalawang 22 caliber rifles, apat caliber 5.56 magazines at ilang live at blank ammunitions.

Sa record ng PDEA, ika-12 most wanted sa hanay ng drug pushers sa MIMAROPA si Peclaro at matagal nang sentro ng manhunt operations ng mga awtoridad.

Ang ama ni Velasco na si retired Supreme Court Justice Presbitero Velasco ay dating isi­nangkot ni Sen. Leila de Lima na may koneksiyon sa convicted drug lord na si German Agojo.

Sa mga lumabas na news report, sinabi ni De Lima na isang investi­gative news report  na Shadow of Doubt: Probing the Supreme Court na isinulat ni Maritess Vitug ang nag­dedetalye ng koneksiyon ni Agojo sa matandang Velasco.

Nakasaad sa nasa­bing report, nang umakyat ang kaso ni Agojo sa SC ay isinusulong ni Justice Velasco na ma-acquit si Agojo ngunit natalo sa mga kapwa mahistrado kaya ang naging boto ay unanimous para mahatulan ang drug lord.

Si Agojo ay isa sa inmates sa New Bilibid Prison (NBP) na tumestigo laban kay De Lima habang si Justice Velasco ang nagponente ng desisyon sa kaso ni De Lima na nagbigay daan para makulong ang senadora.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …