Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
nbp bilibid

‘Tubong-lugaw cops’ sa kontrabandong puslit sinibak sa NBP

MULING nalagay sa kon­trobersiya ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) makaraang masangkot ang 16 pulis na nagbabantay sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa pagpupuslit ng ilegal na kontrabando para ibenta sa mga bilanggo kapalit ng ganansiyang ‘tubong-lugaw.’

Kaugnay nito, agad inalis sa puwesto ang mga nahuling pulis na na­ka­talaga sa pambansang piitan ng bagong itina­lagang si P/BGen. Debold Sinas, hepe ng National Regional Police Office (NCRPO) at inilipat sa NCRPO Regional Holding and Accounting sa Bicutan, Taguig City.

Hindi muna ibinun­yag ni Sinas ang mga pangalan ng pulis habang sumasailalim sa imbes­tigasyon.

Ang nasabing mga pulis ay nakatalaga sa NCRPO sa Regional Mobile Force Company at ilan lamang sa puwersang ipinadala sa NBP upang maging bantay para lini­sin ang matagal nang nagaganap na ilegal na aktibidad tulad ng pa­nga­ngalakal ng droga sa piitan.

Ngunit sa kalaunan, sila naman ang naging pasi­muno ng pagbe­bebenta ng sin com­mo­dities gaya ng sigarilyo at alak na pinagtutubuan nila nang malaki sa puhunang kakarampot.

Nabatid na ang mga pulis na sinasabing nahu­lihan ng alak, gadgets at sigarilyo o tobacco leaves sa NBP ay iniimbes­tiga­han ngayon ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD).

Nabatid sa isang source sa NBP, ang isang kaha ng sigarilyo depende sa brand ay naibebenta sa parokyanong big time na preso mula sa halagang P500, habang ang mumu­rahing alak naman ay naibebenta ng P1,000 pataas ang halaga.

Bagamat mahigpit itong ipinagbabawal sa piitan, naeenganyo ang ilang tiwaling awtoridad maging prison guard dahil sa kaunting puhu­nan ay malaki ang kinikita nila na tila tubong-lugaw sa ipinupuslit sa kon­trabando sa piitan.

 (MANNY ALCALA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …