Thursday , June 4 2026
INIHARAP sa media ni NCRPO director P/MGen. Guillermo Eleazar (gitna) kasama sina SPD director P/BGen. Nolasco Bathan (kaliwa), P/Col. Rogelio Simon (kanan), hepe ng Makati police, ang naarestong dalawang Chinese nationals na sina Zhang Xiuquang, at Fan Jianping nang tangkaing manuhol ng mahigit P1.7 milyon kapalit ng kalayaan ng anim lalaking Chinese nationals si P/Maj. Gideon Ines, hepe ng SIDMS ng Makati police, sa isinagawang press conference sa Makati headquarters nitong Martes ng gabi. (ERIC JAYSON DREW)

Pulis tinangkang areglohin… 2 tsekwa kulong sa P1.7-M suhol

KULUNGAN ang kina­hantungan ng dalawang Chinese nationals nang tangkain nilang suhulan ng halagang  P1.7 milyon ang hepe ng mga imbestigador ng Makati City Police Station kapa­lit ng paglaya ng ilan nilang kababayan na nadakip sa raid sa isang prostitution den sa lungsod.

Nahaharap sa ka­song bribery ang mga inaresto na kinilala ng pulisya na sina Zhang Xiuqiang, 32, at Fan Jianping, 23.

Kamakalawa ng hapon, nagtungo sina Zhang at Xiuqiang sa headquarters ng Makati police at hinikayat si P/Major Gideon Ines Jr., hepe ng Criminal In­vestigation Division na ayusin ang nahuling anim na kaibigan na pawang Chinese nationals at nag­tatrabaho umano sa Philip­pine Offshore and Gaming Operators (POGO) kapalit ng P1.7 milyon.

Pero agad tumanggi ang opisyal at ipinaa­resto ang dalawa saka kinom­piska ang dalang pera.

Itinanggi ng isa sa mga inaresto na sinusu­hulan nila ang pulis.

Nitong Lunes, 21 Chinese nationals ang dinakip ng pulisya sa pagsalakay sa isang hotel sa Makati na nabistong prostitution den.

Nasagip ang 36 baba­eng Chinese sex workers sa serye ng raid na nasa pangangalaga na ng Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD).

Napasugod si Na­tional Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Guillermo Eleazar sa Makati Police at galit na pinagsabihan ang dalawang nanunuhol na Chinese.

“You tried to bribe our policemen? What do you think of our police officers here?” galit na sinabi ni Eleazar.

Umapela si Eleazar ng tulong mula sa Chinese law enforcers kaugnay ng paglaban sa mga kaso ng human trafficking na kinasa­sangkutan ng kanilang mamamayan.

“We need the cooperation of our Chinese counterpart. Kasi sila ng nakaaalam ng mga sindikato na ‘yan and their opera­tions. Sa ‘tin limited ang magagawa natin dito sa ating territory,” ani Eleazar.

Siniguro ng NCRPO chief na patuloy ang pulisya sa paglaban sa lahat ng uri ng krimina­lidad at ilegal na droga. (MANNY ALCALA/JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …