BIGGEST break ni Kyline Alcantara ang Black Lipstick, na idinirehe ni Julius Ruslin Alfonso, na isinulat nina Maria Zia Garganera, Kaila Milos Factolerin, at Mark Stanley Mozo para sa Obra Cinema.
“I never thought I’d be given the opportunity to do the millennial version of Blusang Itim. It’s flattering to be considered for the part,” ani Kyline na nakilala niya ang nagbida sa pelikulang ito rati ng Seiko Films na si Snooky Serna sa movie story conference ng Black Lipstick.
Sobrang na-excite nga si Kyline na makatrabaho si Snooky.
Sinabi pa ni Kyline na sabik siyang bigyang buhay at pagbidahan ang Black Lipstick.
Napanood ni Kyline ang Blusang Itim sa Youtube at humanga siya sa acting ni Snooky.
Hindi naman pahuhuli sa aktingan si Kyline dahil nasubok na rin ang galing niya sa mga pinagbidahang teleserye sa Siyete tulad ng Kambal Karibal na naging highest rating program ng GMA. Bukod pa sa pagwawagi niya ng Best Drama Supporting Actress sa 32nd PMPC Star Awards for TV. Sumunod agad dito ang Inagaw na Bituin kasama si Teri Malvar.
Makakasama naman ni Kyline sa Black Lipstick sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, Kate Valdez, James Teng, Chesca Salcedo, Nella Marie Dizon, Angel Guardian, Angellie Sano, Robin Guillamun, Charming Laguslad, Patricia Roxas, Nicole Villanueva, at introducing si Thai Tomalla.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio