MAGANDANG break para sa newbie actress na si Chin Soriano ang pelikulang Tickled Pink na nagkaroon ng premiere night kasabay ng Bata Bata Bakit Ka Ginawa sa Cinematheque, last Sept. 20. Kapwa pinamahalaan ito ni Direk Romm Burlat. Kaya naman inspirado siya lalo sa kanyang acting career.
Bukod kay Chin, tampok sa Tickled Pink sina Ron Macapagal, Ailla Nolasco, at Migz Paraiso. Ang pelikula ay ukol sa relationships, separation, adoption, at reconciliation.
Ipinahayag ni Chin na bata pa lang ay pangarap na talaga niyang maging artista.
“Bata pa lang po ako pangarap ko na po talaga maging artista. I started as a talent, vlogger, cosplayer and host. We met po ni Direk Romm last year sa shooting ng Wild and Free movie ng Regal Films sa La Union. Doon pa lang po sinasabi na po n’ya sa akin na malaki ang potential ko sa industry kaya naisipan po niya akong i-cast sa Tickled Pink.”
Paano niya ide-describe ang role sa Tickled Pink.
Sambit ng aktres, “Iyong role ko po sa movie came out as somewhat natural to my real life character na lively and jolly. Isa po akong restaurant owner which is relevant to my real life course, culinary and pastry arts. Hindi po ako nahirapan maging si Trixie dahil feeling ko ako pa rin siya. As for the film, I think it’s very interesting kasi you don’t usually see indie films na may ganoong plot and twist.”
Anong aral ang mapupulot sa kanilang pelikula? “I think po it is more of just showing po siguro na what’s destined to come out is always meant to be and truth will always prevail whatever happens.”
Unang napanood sa pelikula si Chin via Wild and Free nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio. Umaasa si Chin na magtutuloy-tuloy ang kanyang showbiz career.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio