Sunday , April 28 2024

Dahil sa curfew ni Mayor Isko… 1,998 menor de edad nasagip sa Maynila

UMABOT sa 1,998 menor de edad ang nasa­gip ng Manila Police District (MPD) maka­raang ipag-utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mahigpit na pagpa­patupad ng ordinansa partikular ng curfew hours sa lungsod.

Nabatid kay Manila Police District (MPD) Director P/BGen Vicente Danao Jr., mula nang kanilang ikinasa ang mga oeprasyon noong  2 Setyembre hanggang 12 Setyembre 2019 ay patu­loy na nadaragdagan ang datos at nasasanay na ang mga Manileño na manatili sa loob ng bahay tuwing gabi.

Nabatid, dakong 10:00 pm nitong 11 Setyembre hanggang 4:00 am ng 14 Setyembre, ay 104 menor de edad ang nasagip.

Base sa nasabing datos, 45 ay nasa kustodiya na ng Response Action Center/Manila Department of Social Welfare habang 59 sa kanila ay naisama nang umuwi ng kanilang mga magulang sa kanilang tahanan.

Ani Danao, “Tuloy-tuloy na ipatutupad ang  Revised Ordinance 8547 para makatiyak na mai­lalayo ang mga kabataan sa kapahamakan parti­kular sa disoras ng gabi.

Magugunita, noong 1 Setyembre, iniutos ni Mayor Isko ang pagpapa­tupad ng curfew hours sa lungsod, mula 10:00 pm hanggang 4:00 am, nang personal na masaksihan ang riot sa pagitan ng mga batang hamog, at maaktohan ang ilang menor de edad habang gumagamit ng solvent sa lansangan.

Napagalaman, sa 1,998 nasagip ng MPD ay 340 ang nakalawit ng MPD PS1, 315 ng Moriones Police Station, 194 sa Sta. Cruz Station (PS3), 159 sa Sampaloc (PS4), 317 Ermita Station, 189 Sta. Ana Police Station, 124  Abad Santos Police Station (PS7), 73 Sta. Mesa Station, 110 Malate Police Station, 105 Pandacan (PS10), 53 sa Binondo (PS11), at 19 kabataan ang nasagip ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) City Hall detachment.

Samantala, binalaan ni Mayor Isko ang mga magulang na mahaharap sa multa at pagkabi­langgo kung mapapa­tunayang nagpapabaya sa kanilang mga menor de edad na anak.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *