LIBRE na ang police clearance para sa mga senior citizen at PWDs na mangangailangan bilang isa sa requirements na ipinapasa sa paghahanap ng trabaho.
Inianunsiyo ito ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasabay ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng City Goverment at McDonald Philippines kaugnay ng pagtatrabaho ng senior citizens at may mga kapansanan sa mga sangay ng naturang food chain.
Sa panig ni Mayor Isko, pinasalamatan niya ang pamunuan ng McDonald sa pagbibigay ng tsansa sa PWDs at Senior Citizens.