police clearance

Police clearance sa Senior Citizens at PWDs libre na sa Maynila

LIBRE na ang police clear­ance para sa mga senior citizen at  PWDs na manga­ngailangan bilang isa sa requirements na ipinapasa sa paghahanap ng tra­baho.

Inianunsiyo ito ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  kasabay ng paglagda ng Memorandum of  Agreement (MOA) sa pagitan ng City Goverment at McDonald Philippines kaugnay ng pagtatrabaho ng senior citizens at may mga kapansanan sa mga sangay ng naturang food chain.

Sa panig ni Mayor Isko, pinasalamatan niya ang pamunuan ng McDonald sa pagbibigay ng tsansa sa PWDs at Senior Citizens.