Sunday , May 19 2024
shabu drug arrest

P170k droga nakompiska sa 8 suspek sa Maynila

AABOT sa P170,000 halaga ng ilegal na droga ang nakompiska sa walong suspek na nahuli sa isang bahay sa Maynila nitong Miyerkoles.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Manila Police District ang isang bahay sa Geronimo St., Sampaloc district, na sinabing ginagamit bilang drug den.

Naaresto ang pitong lalaki at isang babae na umano’y notoryus sa paggamit at pagbebenta ng droga sa lugar.

Target ng search warrant ng operatiba si Annalea Pateo Sumali alyas Salva, 44 anyos.

Naaresto rin ang kanyang mga kasabwat na sina Eduardo Rosete, 59; Ronnie Clemente, 35; Alexander Alvario, 40; Ricky Morales, 27; Nikko Rosario,30; at Julio Perez, 31.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehen­sive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *