Thursday , May 2 2024

Sa pagbaba ng tubig sa Angat Dam… Krisis sa tubig ‘di maiiwasan — MMDA 

TINALAKAY ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (MMDRRMC) at iba pang concerned agencies at water concessionaires ang paghahanda para sa lalo pang pagnipis ng suplay ng tubig habang patuloy ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  at concurrent MMDRRMC Chairman Danilo Lim, dapat maigting na pagha­handa lalo kapag humina na ang suplay ng tubig mula sa water con­cessionaires sa mga susunod na linggo.

“Dapat ay maging handa ang publiko, partikular ang mga nakatira sa mabababang lugar, dahil nasa critical level ang Angat Dam,” ani Lim sa special MMDRRMC meeting kahapon.

Dinaluhan ng mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sew­e­rage System at water con­cessionaires, Philippine Atmospheric, Geo­physical and Astro­nomical Services Ad­ministration (Pagasa), at iba pang ahensiya ng gobyerno ang nasabing pulong.

Paliwanag ng Pagasa, kahit noon pang naka­raang linggo na idineklara na ang tag-ulan, hindi pa rin sapat ang dami ng ulan para mapataas ang tubig sa Angat Dam.

Bumababa sa critical low level mark na 160 metro ang water elevation ng Angat Dam dahilan para bumaba ang suplay ng tubig sa Metro Manila.

“Ayon sa Pagasa, walang malawakang pag-ulan kundi localized rain showers lang sa susunod na walong araw,” paha­yag ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Para maging mabilis ang pagrarasyon ng tubig sa mga apektadong lugar, exempted sa number coding scheme ang mga truck ng Maynilad Water Services Inc., at Manila Water Company Inc.

“Naglabas tayo ng standing order para malayang bumiyahe at makapagrasyon ng tubig ang mga water tankers. Hindi sila huhulihin,” paliwanag ni Lim.

Sineserbisyohan ng Maynilad ang western o kanlurang bahagi ng Metro Manila at Cavite habang east zone o sila­ngang bahagi ng Metro Manila at Rizal ang sineserbisyohan ng Manila Water.

Nanawagan din si Garcia sa responsableng paggamit ng tubig imbes mag-ipon ng tubig.

“Panahon na para matuto ang publiko sa responsableng paggamit ng tubig,” ani Garcia.

Ani Garcia, dapat ay mayroon nang mailatag na long-term plan para hindi na maulit ang problema sa hinaharap.

May nakaabang na mobile water purifying filters ang MMDA na maaaring magamit.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *