Friday , July 1 2022

Velasco-Romero tandem sa Kamara ‘delikado’ (Nakatali sa interes at negosyo)

UMAPELA at hinikayat ng ilang mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte na panahon na para mag-endoso ng magiging House Speaker at huwag hayaang maging “free-for-all” ang labanan kasunod na rin ng pinangangambahang tandem bilang House Speaker at House Majority Leader nina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at 1Pacman Party-list Rep Mikee Romero.

Inamin ng isang senior congressman na tumangging magpa­banggit ng pangalan na delikado ang tandem ng dalawa dahil lantaran ang gapangan hindi lamang sa House Speakership kundi maging bilang House Majority Leader.

Nangangamba ang mambabatas, kung ganito ang magiging siste­ma ay nakatatakot mag­karoon ng House Leaders na pawang walang ex­perience, wala pang napatunayan sa larangan ng politika at walang leadership skills pero nakatali sa isang ‘dambu­halang nego­syante.’

Sina Velasco at Romero ay kapwa two-term congressman.

Una nang lumabas sa isang news online na kung si Velasco ang mahihirang na House Speaker ay inaawitan umano ng bilyonaryong kongresista na si Romero na siya ang maging Majority Leader kapalit ng bloc vote na ibibigay sa kanya ng Partylist Coalition Foundation Inc., na may 61 miyembro at ang tu­ma­tayong Pangulo ang una.

Maging sa loob ng party-list coalition ay hati umano sa pinaplanong hakbang ni Romero na maging Majority Leader.

Anila, sa oras na mangyari ito ay hindi na makukua ng party-list ang iba pang committee chairmanship na kanilang inaawitan.

Matatandaan, una nang sinabi ni Ako Bicol Rep Alfredo Gardin na 32 posisyon ang hawak ng party-list coalition noong 17th Congress at inila-lobby nilang makuha itong muli sa 18th Congress.

Binabatikos ang pagkandidato ni Velasco bilang House Speaker dahil sa pagiging neo­phyte congressman na ang tanging armas umano sa pagtakbo ay ‘pera’ dahil dikit sa isang business tycoon.

Tinukoy din si Velas­co na siyang nasa likod ng isiniwalat na vote buying nina PDP Laban at kapwa Speakership wannabes na sina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Pampanga Rep. Dong Gonzales na aabot sa P1-milyon hanggang P7-milyon umano ang suhu­lan sa bawat kongresista kapalit ng kanilang pagboto at suporta.

Batay sa record, hindi lamang si Velasco na tumayong chairman ng energy committee ang dikit sa business tycoon na maraming negosyo sa energy sector.

Maging si Romero ay dikit sa nasabing ne­gosyante dahil ang kanyang kompanyang One Source Port Services Inc., ay nagkaroon ng transaksiyon na nagka­kahalaga ng P2 bilyon sa kompanyang pagmamay-ari nito.

Nabatid na negosyo kina Romero at sa busi­ness tycoon ang expansion at development ng 56 hectare North Harbor Facility.

Si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ay una nang nagba­bala laban sa malalaking negosyante na nagpo­pondo sa mga kandidato sa pagka-Speaker.

“Definitely may interes ang mga nego­syante sa Speakership dahil ‘yung mga billion dollar interest nila naka­tali sa mga paborableng batas at intervention ng Kongreso. Ang mga tycoon ay may interes sa key sectors na inire-regulate sa pamamagitan ng legislation ng Kongreso gaya ng power, water, fuel, telecommunications, at transportation,” pali­wanag  ni Tinio.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply