Thursday , June 4 2026

‘Pabayang’ Comelec execs kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng ka­song administratibo ng Mata Sa Balota Movement at ng ilang non-govern­ment organizations (NGOs) ang mga ‘non impeachable’ officials ng Commission on Election (Comelec) sa Office of the Ombudsman  bunsod sa hindi pagpapatupad ng pinakamahalagang baha­gi ng Automated Election System (AES) law na nagdulot ng kali­wa’t kanang ulat ng ka­pal­pakan ng mga makina at proseso sa katatapos na 13 May0 2019 mid-term national at local elections.

Kinasuhan si Comelec Executive Director Jose Marundan Tolentino ng Serious Dishonesty ha­bang gross neglect of duty naman sina Deputy Director Teopisto Elnas Jr., at Comelec Spokes­person James Arthur B. Jimenez.

Kasama rin sa kaso ang buong Smartmatic Information Management at operators nito.

Hindi rin pinaligtas ng grupo si dating Comelec Chairman Juan Andres Donato Bautista dahil sa kawalan  ng intensiyong ipatupad ang mga nakasaad sa Sali­gang Batas na Omnibus Election Code.

Ayon kay Dr. Mike Aragon, spokesperson ng Mata sa Balota Move­ment, sa pagbubukas ng bagong kapulungan ng Kongreso sa Hulyo ay sasampahan din ng Impeachment Complaint ang mga Komisyoner ng ahensiya  sa talamak na paglabag sa napaka­halagang probisyon ng Omnibus Election Code at Automated Election System (AES).

Nananawagan si Aragon kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag­tuunan ang mga iregu­laridad sa proseso ng katatapos na halalan at paglabag sa batas ng Comelec Commissioners lalo na’t nalalapit na ang presidential election.

Naniniwala si Aragon, sa puso at intensiyon ng Pangulo na isang patrio­riko na tanging hangarin ay para sa kabutihan ng bansa at sambayanan.

(AD)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …